Ang Back-to-School Experience, Mas pina-PAWER ng TM GV Idol

Randam na randam ang excitement ng maraming students na mag back-to-school ngayong taon dahil pagkatapos ng dalawang taon, muli na naman nilang mararanasan ang good vibes na dala ng campus activities kasama ng kanilang mga kaklase at mga barkada.

Para gawing mas pawer at memorable pa ang school experience nila, hatid ng TM ang first-ever TM GV Idol para sa lahat ng students sa buong bansa! Sa online competition na ito, inaanyayahan ang bawat estudyante o grupo ng magkakaklase na ipamalas ang kanilang pina level-up na galing sa kantahan, sayawan, at aktingan para sa pagkakataon na ibida ang kanilang school at manalo ng nakaka-GV na prizes!

Basta TM GV Idol, pawer sa talent yarn!

Sa TM GV Idol, bida ang lahat ng pawer na mga paandar! Maraming estudyante na ang nagpamalas ng natatanging galing sa kantahan mapa solo biritista at banda. Di rin nag pahuli ang mga entries na mula sa dance category dahil halos lahat ng TikTok dance craze ginawa na nila.

Para naman sa mga students na pawer ang galing pagdating sa aktingan, pwede nang mag pasa ng funny skit or mala-pelikulang videos ang GV-kada dahil perfect ang content category para sa kanila!

Ang TM GV Idol ay bukas para sa lahat ng officially enrolled students ngayong school year. Para makasali, ito ang simple steps:

  1. Bumuo ng grupo na may at least 2 members na TM subscribers.
  2. Mag register sa TM website.
  3. Mag-upload sa Tiktok ng hindi lalagpas sa 1 minute na video entry showcasing ang napiling nakaka-GV na talent
  4. Gamitin ang hashtag na #TMPawerYarn at #TMGVidol

Ang lahat ng categories sa TM GV Idol ay open for 3-5 members per entry kaya naman perfect na GV bonding time ng buong barkada ang pagsali. Maaaring maging sure win din ang mga entries kung pawer ang mga ito sa creativity, relevance to fun and good vibes, at pasok na pasok ang entertainment value.

Basta TM GV Idol, pawers sa prizes yarn!

Pawer na prizes ang nag-iintay sa winners ng TM GV Idol dahil maaaring mag-uwi ng up to P100,000 ang winners ng bawat category. Bukod dito, ang schools ng top 5 winners ay makakatanggap ng assistance for COVID-19 essentials package worth P10,000 bilang tulong ng TM para sa mas pina-safe at GV na back-to-school experience.

Para sa full blast na balik eskwela at mas pina level-up na good vibes, may inihanda rin na GV booths ang TM sa selected schools nationwide kung saan iba’t ibang pawer ganaps at prizes ang naghihintay para sa kanila.

“Sa pamamagitan ng GV Idol, nais ng TM na maipamalas at maipagmalaki ang talento ng Pinoy students sa buong bansa dahil naniniwala kami sa kanilang angking galing at husay,” ani Bea Lacson, TM Brand Head.

Para malaman kung paano sumali at maging kauna-unahang TM GV Idol, bisitahin lang ang TM website.

One thought on “Ang Back-to-School Experience, Mas pina-PAWER ng TM GV Idol

  1. Wow. Ang bongga ng TM. Siguradong mag eenjoy ang mga students sa TM GV IDOL. Maipapakita nila ang talents and skills nila at may chance pa manalo ng bonggang prizes👏

Leave a Reply